Back to HomePolitics

Habang nakaratay sa hospital bed: Arrest warrant isinilbi kay Romualdez

NI Alex Galang September 8, 20261 min read0 views
Habang nakaratay sa hospital bed: Arrest warrant isinilbi kay Romualdez
Share:

ccto

Isinilbi na ng mga awtoridad ang arrest warrant laban kay dating House speaker Martin Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City ngayong Lunes, Sept. 7, habang ito ay nakaratay sa hospital bed.

Kasunod ito sa P7.4-bilyong flood control plunder case na inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan laban sa kongresista at tatlo pang indibidwal kabilang si dating Ako Bicol Party list Rep. Zaldy Co na ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla ay patuloy na nagtatago sa France.

Na-confine si Romualdez sa ospital ganap na alas 4 ng hapon ng Lunes, dahil sa cardiovascular event, unstable blood pressure, at anxiety attack.

Pinatungan na lamang sya ng “orange shirt” na may nakalagay na CIDG Detainee bago sya kuhanan ng litrato.

Related Articles