SC ibinasura ang graft conviction ni ex FL Imelda Marcos

BINALIGTAD ng Korte Suprema ang hatol ng Sandiganbayan laban kay dating First Lady Imelda Marcos sa pitong kaso ng graft na may kaugnayan sa umano’y pinansyal niyang interes sa mga pribadong foundation sa Switzerland.
Ang desisyon ng First Division ng Korte Suprema, na isinulat ni Associate Justice Rodil V. Zalameda, ay inilabas noong Hunyo 10, 2026 ngunit isinapubliko lamang nitong Miyerkules, Setyembre 9.
Dahil dito, nabalewala ang landmark ruling ng Sandiganbayan noong Nobyembre 9, 2018 na naghatol kay Marcos na nagkasala sa pitong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sinentensiyahan noon ng Sandiganbayan si Marcos ng pagkakakulong na mula anim na taon at isang buwan hanggang 11 taon para sa bawat bilang, bukod sa perpetual disqualification o habambuhay na pagbabawal na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Gayunman, pinawalang-sala siya sa tatlo pang kaso ng graft.
Nag-ugat ang mga kaso sa alegasyon na habang nagsisilbing gobernador ng Metro Manila at humahawak ng iba pang posisyon sa pamahalaan noong administrasyon ng kanyang asawang si yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos, mayroon umanong pinansyal na interes si Imelda Marcos sa ilang pribadong foundation na nakabase sa Switzerland
Related Articles

Arraignment ni VP Duterte sa 3 kaso ng grave threats ipinagpaliban ng korte
IPINAGPALIBAN nitong Biyernes, Setyembre 11, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 98 ang arraignment o ang pagbasa ng sakdal kay Vice President Sara Duterte sa tatlong bilang ng grave thre…

Reklamo ni Manases Carpio vs AMLC, ibinasura ng QC Prosecutor
IBINASURA ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamo ni Atty. Manases Carpio, laban sa mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at ilang mambabatas kaugnay ng umano’y iligal na pagsisiw…

Magkapatid na Remulla tutungo sa France para kay Zaldy Co
NAKATAKDANG bumiyahe sa France sina Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad doon kaugnay ng paghahanap…
