Magkapatid na Remulla tutungo sa France para kay Zaldy Co

NAKATAKDANG bumiyahe sa France sina Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad doon kaugnay ng paghahanap kay dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.
Kinumpirma ni Jonvic Remulla ang kanilang biyahe bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang matunton at mapaharap sa batas si Co, na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng umano’y mga iregularidad sa mga proyekto sa flood control ng pamahalaan.
Tutungo si Jonvic Remulla sa Lyon upang i-follow up ang kahilingan para sa pagpapalabas ng Interpol Red Notice laban kay Co.
Layunin nitong makatulong sa pagtukoy sa kinaroroonan ng dating kongresista at sa posibleng pag-aresto sa kanya, alinsunod sa mga umiiral na proseso.
Samantala, makikipagpulong naman si Ombudsman Remulla sa mga opisyal ng France, kabilang ang mga kinatawan ng Justice Ministry sa Paris, upang talakayin ang mga legal at diplomatic na hakbang kaugnay ng paghahanap kay Co.
Iniulat na maaaring nasa France o iba pang bahagi ng Europe si Co, bagama’t hindi pa ito opisyal na nakukumpirma ng mga awtoridad.
Patuloy ding iniimbestigahan ng Ombudsman ang iba pang mga personalidad na iniuugnay sa kontrobersiya sa mga proyekto sa flood control, kabilang si Sen. Loren Legarda.
Sinabi ni Ombudsman Remulla na determinado ang pamahalaan na habulin ang mga indibidwal na lumalabag sa batas saanman sila magtungo.
Ayon kay Remulla, “paliliitin natin ang mundo” para sa mga lumalabag sa batas.
Related Articles

Arraignment ni VP Duterte sa 3 kaso ng grave threats ipinagpaliban ng korte
IPINAGPALIBAN nitong Biyernes, Setyembre 11, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 98 ang arraignment o ang pagbasa ng sakdal kay Vice President Sara Duterte sa tatlong bilang ng grave thre…

Reklamo ni Manases Carpio vs AMLC, ibinasura ng QC Prosecutor
IBINASURA ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamo ni Atty. Manases Carpio, laban sa mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at ilang mambabatas kaugnay ng umano’y iligal na pagsisiw…

SC ibinasura ang graft conviction ni ex FL Imelda Marcos
BINALIGTAD ng Korte Suprema ang hatol ng Sandiganbayan laban kay dating First Lady Imelda Marcos sa pitong kaso ng graft na may kaugnayan sa umano’y pinansyal niyang interes sa mga pribadong foundati…
