Hiling ni Senador Estrada na magpa Xray ng kanyang tuhod sa labas ng kulungan pinagbigyan ng Sandiganbayan

PINAGBIGYAN ng Sandiganbayan Fifth Division si detained Senator Jinggoy Estrada na pansamantalang lumabas ng New Quezon City Jail sa Miyerkules, Agosto 26, upang sumailalim sa X-ray sa kanyang tuhod sa Cardinal Santos Medical Center.
Ayon sa anti-graft court, maaari nang umalis si Estrada sa kulungan alas-11 ng umaga at sumailalim sa kinakailangang medical procedure sa pribadong ospital alas-1 ng hapon.
Inatasan naman siyang bumalik sa New Quezon City Jail bago mag-alas-3 ng hapon sa parehong araw matapos makumpleto ang kanyang pagsusuri.
Si Estrada, na nahaharap sa mga kasong plunder at graft kaugnay ng kontrobersiya sa flood control projects, ang sasagot sa lahat ng gastusin para sa kanyang pagpapagamot at pagpunta sa ospital.
Sa resolusyong inilabas ng Sandiganbayan nitong Lunes, sinabi ng korte na dapat samahan si Estrada ng mga itinalagang security escort habang isinasagawa ang kanyang medical procedure.
Nakasaad din na si Estrada mismo ang sasagot sa lahat ng hospital bills, medical fees, transportation expenses at iba pang incidental expenses na may kaugnayan sa kanyang pagpapatingin.
Nilimitahan din ng Sandiganbayan ang mga taong maaaring sumama sa senador.
Bukod sa kanyang security escorts, tanging immediate family, legal counsel at attending medical personnel lamang ang pinayagang makasama niya.
Mahigpit ding ipinagbawal ng korte ang pagkuha ng litrato o video kay Estrada habang isinasagawa ang kanyang medical procedure, gayundin ang anumang pagpo-post sa social media na may kaugnayan dito.
Samantala, inatasan ng Sandiganbayan si New Quezon City Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion na magsumite ng komprehensibong compliance report sa korte hindi lalampas sa tatlong araw matapos makabalik si Estrada sa detention facility.
Kailangang mabigyan din ng kopya ng naturang ulat ang prosecution
Related Articles

Arraignment ni VP Duterte sa 3 kaso ng grave threats ipinagpaliban ng korte
IPINAGPALIBAN nitong Biyernes, Setyembre 11, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 98 ang arraignment o ang pagbasa ng sakdal kay Vice President Sara Duterte sa tatlong bilang ng grave thre…

Reklamo ni Manases Carpio vs AMLC, ibinasura ng QC Prosecutor
IBINASURA ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamo ni Atty. Manases Carpio, laban sa mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at ilang mambabatas kaugnay ng umano’y iligal na pagsisiw…

SC ibinasura ang graft conviction ni ex FL Imelda Marcos
BINALIGTAD ng Korte Suprema ang hatol ng Sandiganbayan laban kay dating First Lady Imelda Marcos sa pitong kaso ng graft na may kaugnayan sa umano’y pinansyal niyang interes sa mga pribadong foundati…
