Sen. Estrada tumangging magpasok ng plea, Marcoleta pinayagan mag medical furlough

TUMANGGING magpasok ng plea sa Sandiganbayan nitong Huwebes, si Senador Jinggoy Estrada sa kinakaharap nitong kasong plunder at graft na nagkakahalaga ng P573 milyon, kaugnay sa pagkakasangkot sa kontrobersiya sa mga proyekto ng flood control.
Dahil dito, ang Fifth Division ng korte ang nagpasok ng not guilty plea para sa senador.
Dumating si Estrada sa Sandiganbayan na may saklay para maka lakad.
Nitong nakaraang linggo, isinugod si Estrada sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City matapos magtamo ng punit sa kanyang kaliwang tuhod.
Sinabi ng doktor ni Estrada na si Dr. Jose Fernando Syquia na nagtamo ng injury ang senador nang tumayo ito mula sa pagkakaupo at biglang nakaramdam ng pagkapunit o pagkalagutok sa kanyang tuhod.
Nagsimula umano siyang mahirapang maglakad at nakaranas ng matinding pananakit ng tuhod.
Si Estrada na lamang ang natitirang akusado sa graft case na nakabinbin sa Fifth Division matapos pagbigyan ng korte ang hiling ng Office of the Ombudsman na alisin bilang Co accused si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at gawing state witness.
Samantala, sa hiwalay na pagdinig ay pinagbigyan naman ng Third Division si Senador Rodante Marcoleta na sumailalim sa isang araw na medical check-up.
Ayon sa kampo ni Marcoleta, mayroon siyang Stage 2 hypertension at paglaki ng prostate, dahilan upang magsampa sila ng mosyon para sa medical furlough o pansamantalang pagpapalabas sa kanya upang makapagpa check up.
“The court will grant the request,” pahayag ni Associate Justice Karl Miranda, chairperson ng Third Division.
Nahaharap sa kasong plunder sina Marcoleta, dating Rep. Mike Defensor, at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray kaugnay ng P75 milyong campaign donation na tinanggap umano ng senador noong siya ay nakaupong party-list lawmaker.
Kapwa not guilty sa kasong plunder ang lahat ng akusado nang isagawa ang kanilang arraignment.
Related Articles

Arraignment ni VP Duterte sa 3 kaso ng grave threats ipinagpaliban ng korte
IPINAGPALIBAN nitong Biyernes, Setyembre 11, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 98 ang arraignment o ang pagbasa ng sakdal kay Vice President Sara Duterte sa tatlong bilang ng grave thre…

Reklamo ni Manases Carpio vs AMLC, ibinasura ng QC Prosecutor
IBINASURA ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamo ni Atty. Manases Carpio, laban sa mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at ilang mambabatas kaugnay ng umano’y iligal na pagsisiw…

SC ibinasura ang graft conviction ni ex FL Imelda Marcos
BINALIGTAD ng Korte Suprema ang hatol ng Sandiganbayan laban kay dating First Lady Imelda Marcos sa pitong kaso ng graft na may kaugnayan sa umano’y pinansyal niyang interes sa mga pribadong foundati…
