NBI Director Matibag naghain ng ethics complaint sa House of Representatives laban kay Rep. Barzaga

Personal na nagtungo sa Batasang Pambansa si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag upang maghain ng ethics complaint laban kay Cavite 4th District Representative Francisco “Meow” Barzaga.
Ang pagsasampa ng reklamo ay may kaugnayan sa umano’y mga walang basehang pahayag at social media posts ng mambabatas laban sa kanya sa kasagsagan ng tensyon at kontrobersiya sa Senado.
Ayon kay Matibag, ang mga alegasyon na inilabas ng kongresista ay walang sapat na ebidensya at nagdulot ng kalituhan sa publiko habang umiinit ang mga usaping pampulitika sa bansa.
Dagdag pa ng opisyal na mahalagang mapanagot si Barzaga at iba pang katulad nyang public official sa kanilang mga pahayag, lalo na kung ang mga ito ay maaaring makasira sa reputasyon ng mga indibidwal o institusyon.
Iginiit pa ni Matibag na ang paggamit ng social media at iba pang plataporma ay may kaakibat na responsibilidad,
Sa inihain niyang reklamo, hiniling ni Matibag sa House Committee on Ethics and Privileges na imbestigahan ang naging asal at mga aksyon ni Barzaga upang matukoy kung may nalabag itong mga tuntunin at pamantayang etikal na inaasahan sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Si Matibag ay asawa ni Laguna 1st District Representative Ma. Rene Ann Lourdes Matibag na kasalukuyang chairwoman ng House Committee on Women and Gender Equality.
Related Articles

Arraignment ni VP Duterte sa 3 kaso ng grave threats ipinagpaliban ng korte
IPINAGPALIBAN nitong Biyernes, Setyembre 11, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 98 ang arraignment o ang pagbasa ng sakdal kay Vice President Sara Duterte sa tatlong bilang ng grave thre…

Reklamo ni Manases Carpio vs AMLC, ibinasura ng QC Prosecutor
IBINASURA ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamo ni Atty. Manases Carpio, laban sa mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at ilang mambabatas kaugnay ng umano’y iligal na pagsisiw…

SC ibinasura ang graft conviction ni ex FL Imelda Marcos
BINALIGTAD ng Korte Suprema ang hatol ng Sandiganbayan laban kay dating First Lady Imelda Marcos sa pitong kaso ng graft na may kaugnayan sa umano’y pinansyal niyang interes sa mga pribadong foundati…
