Higit 160 patay, daan-daang nawawala sa malagim na flashfloods sa Nepal

ISANG gahiganteng flash floods at mudslide ang rumagasa sa mga komunidad sa bahagi ng hangganan ng Nepal at Tibet, na ikinasawi ng hindi bababa sa 160 katao habang daan-daang iba pa ang nawawala sa isa sa pinakamalalang kalamidad na tumama sa rehiyon ng Himalayas.
Naganap ang trahedya nitong araw ng Miyerkules matapos ang nangyaring avalanche o napakalaking pagguho ng magkahalong bato at yelo mula sa isang tributary ng Bhotekoshi River.
Dahil dito, biglang kumawala ang napakalakas na agos ng tubig na rumagasa sa mga lambak (valley) ng Rasuwa district sa Nepal hanggang sa tumawid sa Tibet.
Sa loob lamang ng ilang minuto, nilamon ng rumaragasang baha ang buong nayon, komunidad, kalsada, tulay, sasakyan at mga pasilidad ng hydropower.
Sa mga kuhang video mula sa mga security camera, makikitang nagsisikap tumakas ang mga residente habang isang napakalaking agos ng tubig at putik ang humahampas sa mga gusali at sasakyan
Inilarawan ng mga nakasaksi ang lugar bilang isang nakakakilabot na eksena ng pagkawasak, kung saan halos nabura sa mapa ang ilang pamayanang nasa tabi ng ilog.
Ayon sa mga awtoridad ng Nepal, 157 bangkay na ang narekober, habang iniulat naman ng mga awtoridad ng China ang tatlong nasawi sa Gyirong County sa Tibet.
Gayunman, daan-daan pa rin ang hindi matunton. Patuloy na nagbabago ang bilang habang sinusubukan ng mga awtoridad na pagtugmain ang mga ulat mula sa mga residente, security personnel at mga turista.
Iniulat din ng Nepal Tourism authorities na nasa 341 dayuhang turista ang kabilang sa opisyal na talaan na mga nawawala.
Kabilang sa mga iniulat na nawawala ay ang mga mamamayan ng India, United States, Australia, United Kingdom, Canada at South Korea, gayundin ang mga lokal na residente ng Nepal, mga pulis at mga manggagawa sa mga hydropower project.
Isa sa pinakamalaking grupo ng mga dayuhang biyaherong hindi pa natutunton ay mga Indian national.
Lalo pang pinahirap ng kalamidad ang rescue operations matapos tangayin ng baha ang mga kalsada at tulay.
Natabunan naman ng makapal na putik at mga labi, mga gusali at pangunahing ruta patungo sa mga apektadong lugar.
Nahihirapan din ang mga rescue helicopter na makalapag dahil sa mataas na tubig at mapanganib na kondisyon sa mga lugar na matinding sinalanta, kabilang ang Syapru Besi at Timure.
Inaasahan pa ng Nepalese authorities na lalaki pa ang bilang ng mga nasawi sa trahedya sa susunod na mga araw habang nasa kalagitnaan ang search and rescue operations.
Related Articles

Piloto sinaksak ng co-pilot; Eroplano na may 174 na pasahero tinangkang pabagsakin
INARESTO ng mga awtoridad sa Saudi Arabia ang isang Omani national na co-pilot matapos nitong saksakin ang mismong piloto ng Flydubai flight at tangkaing agawin ang kontrol sa eroplano habang nasa him…

US-Israel- led war vs Iran: Over!
Pakistan has confirmed that the United States and Iran have reached an agreement to end the war and reopen the Strait of Hormuz, signaling the end of more than three months of conflict in the Middle E…

DMW takes responsibility for mix-up of remains of two OFWs killed in Lebanon
The Department of Migrant Workers (DMW) has taken responsibility for the mix-up involving the remains of two Overseas Filipino Workers (OFWs) who were killed in Beirut, Lebanon, and apologized to the …
