Romualdez nagpasok ng not guilty plea sa ₱7.44-B Plunder Case; Hiling din na ma ilipat sa public hospital ibinasura ng korte

In photos: Si Dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez habang dumadalo sa kanyang arraignment o pagbasa ng sakdal sa Sandiganbayan Third Division via teleconferencing habang siya ay nakakulong sa New QC Jail Male Dormitory sa Payatas. (Via Ombudsman) for news material.
NAGPASOK ng “not guilty” plea si dating House Speaker Martin Romualdez sa kaso nitong plunder kaugnay sa umano’y P7.44 bilyong kickback mula sa mga proyekto ng flood control.
Isinagawa ang arraignment o ang pagbasa ng sakdal ni Romualdez nitong Miyerkules ng umaga sa Sandiganbayan Third Division sa pamamagitan ng teleconferencing habang siya ay nakadetine sa pasilidad ng New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.
Sa parehong pagdinig, ibinasura rin ng Third Division ang mosyon ni Romualdez na mailipat sa isang tertiary government hospital.
Ayon kay Associate Justice Karl Miranda, chairperson ng Sandiganbayan Third Division, ang mosyon na inihain ni Romualdez noong Setyembre 14, alas-7:22 ng gabi, ay “denied for lack of merit.”
Sinabi ni Miranda na batay sa pagsusuri ng mga doktor mula sa Philippine General Hospital (PGH), stable na ang kondisyon ni Romualdez.
“It must be emphasized that a mere invocation of ill health is not sufficient for the accused’s continued confinement in the hospital,” ani Miranda sa open court.
Hiniling umano ni Romualdez na mailipat sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.
Gayunman, sinabi ng justice na sa kasalukuyan ay wala umanong “imperative necessity” para mailipat ang dating Speaker sa isang tertiary hospital.
Halos isang linggo ring naospital si Romualdez bago siya nakulong.
Kabilang sa mga kondisyong binanggit niya ang hypertension, diabetes at sakit sa puso.
Noong Setyembre 7, naglabas ang Sandiganbayan ng arrest warrant laban kay Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at dalawa pang akusado kaugnay ng plunder case.
Ayon sa mga prosecutor, ang umano’y P7.44 bilyong kickback ay nagmula sa mga contractor, indibidwal at entity na may interes sa flood control, infrastructure at iba pang proyekto ng pamahalaan na pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Acts para sa fiscal years 2022 hanggang 2025.
Nauna na rin niyang sinabi na haharapin niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya at sasagutin ang mga ito sa harap ng tamang hukuman.
“I have always said that I will face the charges against me and answer them before the proper court. That has not changed,” aniya.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
