Social media influencer arestado sa drug bust ops ng PDEA

ISANG emosyonal na social media influencer na kilala bilang Julia TV ang naaresto sa isang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay 10, Bacolod City, nitong Martes, Agosto 25, 2026.
Nakilala ang suspek na si Joselito Peruelo o kilala sa tawag na Julia TV sa kanyang social media account at ang kanyang kinakasama na si Christian Tolentino.
Pasado alas 3 ng hapon nang isagawa ang operasyon sa bahay ng mag live in partner sa Purok Magtiayon, Barangay 10.
Batay sa ulat, nasa humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng PDEA na sinasabing may malaking halaga na street value.
Emosyonal ang nasabing vlogger habang ito ay nakaposas kasama ang live in partner nito habang nagsasagawa naman ng pag imbentaryo ang mga tauhan ng PDEA sa mga nakumpiskang illegal na droga.
Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang vlogger at kinakasama nito.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
