La Mesa Dam, umabot na spilling level: Residente malapit sa Tullahan River pinag-iingat

NAGBABADYA ng pagbaha sa mabababang lugar ang pag-apaw ng La Mesa Dam matapos umabot sa spilling level na 80.33 metro ang water level nito alas-6 ng gabi nitong Sabado, Agosto 29.
Dahil dito, mahigpit na binabantayan ang mga komunidad na maaaring tamaan ng rumaragasang tubig mula sa dam na dumadaloy patungo sa Tullahan River.
Kabilang sa mga lugar na pinapayuhang maging lubos na alerto ang Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway at San Bartolome.
Pinag-iingat ang mga residente at pinapayuhang agad na lumikas kung kinakailangan, partikular ang mga nasa mabababang lugar at malapit sa daluyan ng tubig.
Pinaalalahanan naman ang publiko na patuloy na makinig sa mga abiso ng mga awtoridad at huwag nang hintayin pang lumala ang sitwasyon bago lumikas.
Para sa emergency at agarang tulong, maaaring tumawag sa QC Helpline 122.
Related Articles

Pickup truck, nang araro sa North Fairview, 4 sugatan
ISANG ginang ang nasa kritikal na kondisyon habang nasa 3 iba pa ang sugatan makaraang mang araro ang pick up truck sa Barangay North Fairview, Quezon City umaga ng Miyerkules. Sa paunang impormasyon…

Sunog sumiklab sa isang residential area sa Quezon City
In photo : Mula sa mataas na gusali ay kita ang malaking bahagi na pinsala sa mga kabahayang tinutupok ng apoy habang pilit namang inaapula ng tubig ng mga rumespondeng mga bumbero sa Waling Waling St…

P496.4-M halaga ng shabu nasabat sa loob ng industrial machinery mula Mexico
NASABAT ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P496.413 milyong halaga ng shabu na tumitimbang ng 73.002 kilo, at itinago sa loob ng industrial machinery mula Guadalajara, Mexico. Pinangunahan ng Bureau…
