Back to HomeRegions

High powered firearms ni Albuera, Leyte Mayor Kerwin Espinosa isinuko sa pulisya

NI Alex Galang August 22, 20262 min read0 views
High powered firearms ni Albuera, Leyte Mayor Kerwin Espinosa isinuko sa pulisya
Share:

ISINUKO ni Albuera, Leyte Mayor Rolan “Kerwin” Espinosa sa lokal na pulisya ang kanyang mga hindi lisensyadong high powered firearms bilang pagsunod sa direktiba ng mga awtoridad at pagpapakita umano ng kanyang pangakong sumunod sa batas.

Ayon kay Espinosa, agad niyang isinuko ang mga baril matapos manawagan ang pulisya sa mga may hawak ng mga hindi rehistrado o walang kaukulang dokumento na armas na ipagkatiwala ang mga ito sa awtoridad.

Sinabi ni Espinosa sa isang pahayag na inilabas sa kanyang social media account nitong Sabado, Agosto 22, na wala siyang pag-aatubiling sumunod sa direktiba upang patunayan ang kanyang sinseridad bilang isang mamamayan at public official na sumusunod sa batas.

Gayunman, sinabi ng alkalde na itinira niya lamang ang kanyang lisensyadong baril na aniya ay kailangan para sa kanyang personal na proteksyon.

Aniya, mahalaga ang armas bilang proteksiyon laban sa mga taong maaaring magkaroon ng masamang balak sa kanyang buhay, lalo na ngayong siya ang nagsisilbing alkalde ng Albuera.

Hindi naman ibinunyag ni Espinosa kung ilang armas at kung anong mga uri ng baril ang kanyang isinuko sa pulisya.

Ang pagsuko ng mga armas ay kasabay ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa loose firearms at pagpapatupad ng mga requirement sa licensing at registration ng mga baril.

Pinaiigting ang naturang kampanya kasunod ng mga insidente ng pamamaril na kinasasangkutan ng mga estudyante, kung saan iniulat na may mga menor de edad na gumamit ng mga baril na pag-aari ng pamahalaan.

Related Articles