Marcoleta humingi ng P20M sa negosyante — Ombudsman sa Sandiganbayan

Humingi umano o nag “solicit” si Senador Rodante Marcoleta ng halagang P20 milyon mula sa negosyanteng si Aristotle Viray, isa sa mga donor na iniugnay sa plunder case na kinasasangkutan ng kabuuang P75 milyon, ayon sa isang testigo sa Sandiganbayan nitong Huwebes.
Inilahad ni Maria Melinda Mananghaya-Henson ng Field Investigation Bureau (FIB) ng Office of the Ombudsman ang alegasyon habang dinidinig ng Sandiganbayan Third Division ang petisyon para sa piyansa nina Marcoleta, dating Rep. Mike Defensor, at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Viray.
Si Mananghaya-Henson ang nanguna sa fact-finding investigation ng Ombudsman kaugnay ng kaso.
Sa kabuuang P75 milyon na tinukoy sa kaso, P20 milyon umano ang nagmula kay Viray.
Gayunman, hindi agad malinaw kung ang buong halagang ito ang tinutukoy sa umano’y solicitation.
Sa mga clarificatory question ni Associate Justice Karl Miranda, chairperson ng Sandiganbayan Third Division, sinabi ni Mananghaya-Henson na nakasaad sa counter-affidavit ni Viray sa preliminary investigation ng Ombudsman na si Marcoleta umano ang nanghingi ng nasabing halaga.
Ang pahayag ay bahagi ng mga testimonya at ebidensiyang inihaharap sa pagdinig sa bail petition ng mga akusado
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
