Pananagutan ng gun owners kapag nagamit sa krimen ang kanilang baril mananagot - DILG

NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Kongreso na pag-aralan ang posibilidad na amyendahan ang umiiral na batas upang mas malinaw na mapanagot ang mga may-ari ng baril kapag nagamit sa krimen ang kanilang mga armas dahil sa kapabayaan sa pag-iingat.
Ayon kay Remulla, dapat isaalang-alang ang paggawa ng panibagong batas o pagbabago sa kasalukuyang mga probisyon upang matiyak na may pananagutan ang mga gun owner na hindi maayos na nag-iingat ng kanilang mga baril.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, may responsibilidad ang mga rehistradong may-ari na tiyaking ligtas at secure ang kanilang mga baril.
Gayunman, hindi awtomatikong mananagot sa krimen ang may-ari kung ginamit ng ibang tao ang kanyang lisensyadong baril.
Kailangan munang mapatunayan ang direktang partisipasyon ng may-ari o ang pagkakaroon ng kapabayaan, kabilang ang tinatawag na criminal negligence, bago siya maaaring papanagutin sa ilalim ng umiiral na batas.
Muling nabigyang-pansin ang usapin matapos makumpirma ng Bureau of Customs na isa sa mga baril na ginamit sa insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City ay kabilang sa mga armas na iniimbestigahan ng mga awtoridad.
Giit ni Remulla, hindi lamang pribadong usapin ang wastong pag-iingat ng baril dahil maaari itong maging banta sa seguridad ng publiko kapag napunta sa kamay ng ibang tao.
Dahil dito, nais ng DILG na pag-aralan ng Kongreso ang posibleng mga pagbabago sa batas upang mapalakas ang pananagutan ng mga may-ari ng baril at maiwasan ang paggamit ng mga rehistradong armas sa mga krimen.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
