Back to HomeNation

Romualdez, ililipat sa PGH simula ngayong araw ng Sabado Setyembre 12 para sa independent medical examination

NI JG TumbadoSeptember 11, 20262 min read0 views
 Romualdez, ililipat sa PGH simula ngayong araw ng Sabado Setyembre 12 para sa independent medical examination
Share:

ILILIPAT sa Philippine General Hospital sa Maynila simula ngayong araw ng Sabado, Setyembre 12, si dating House Speaker Martin Romualdez para sumailalim sa independent medical examination, ayon sa kautusan ng Sandiganbayan.

Inanunsyo ito nitong Biyernes ni Associate Justice Karl Miranda, chairman ng Sandiganbayan Third Division.

Si Romualdez ay kasalukuyang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City matapos siyang ma-admit noong Lunes dahil sa pananakit ng dibdib.

Ayon sa korte, ipina-discharge si Romualdez mula sa Cardinal Santos upang maisagawa sa PGH ang isang independent medical examination na magpapatunay o susuri sa findings ng mga doktor na gumamot sa kanya sa pribadong ospital.

Layunin ng pagsusuri na matukoy kung kinakailangan pa bang manatili si Romualdez sa isang medical facility.

“Upon discharge tomorrow, the physical location of Romualdez will be at the UP-PGH until further orders [from the court],” paglilinaw ni Dennis Pulma, clerk of court ng Third Division, sa mga mamamahayag matapos ang pagdinig. Ibig sabihin, pagkatapos niyang ma-discharge sa Cardinal Santos ay sa PGH ang magiging lugar kung saan siya mananatili habang hinihintay ang resulta ng independent medical examination at ang susunod na kautusan ng korte.

Na-admit si Romualdez sa Cardinal Santos noong Lunes, sa parehong araw na inilabas ang arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng kasong plunder.

Naglabas ang Sandiganbayan Third Division ng arrest warrant laban kay Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, at dalawa pang akusado ilang oras matapos magsampa ang Office of the Ombudsman ng formal charges laban sa kanila.

Kinasuhan sila ng bribery kaugnay ng P7.44 bilyong kickbacks

Related Articles