Back to HomeMetro

Pickup truck, nang araro sa North Fairview, 4 sugatan

NI Alex galang October 7, 20261 min read0 views
Pickup truck, nang araro sa North Fairview, 4 sugatan
Share:

ISANG ginang ang nasa kritikal na kondisyon habang nasa 3 iba pa ang sugatan makaraang mang araro ang pick up truck sa Barangay North Fairview, Quezon City umaga ng Miyerkules.

Sa paunang impormasyon, nawalan umano ng kontrol ang pickup truck pasado alas 9 ng umaga at sunod-sunod na sinalpok ang isang tricycle, school service at poste ng kuryente.

Hindi rin nakaligtas sa insidente ang isang estudyanteng naglalakad sa gilid ng kalsada na mahagip ng sasakyan.

Nabatid na sakay ang ginang sa traysikel nang araruhin sila ng sasakyan habang sugatan din ang drayber ng naka bangga sa kanila.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang dahilan ng aksidente partikular kung paano nawalan ng kontrol ang drayber sa sasakyan nito.

Related Articles