Back to HomeRegions

Dalawang batang estudyante patay matapos makuryente sa Color and Bubble Fun Run sa Isabela

NI Edward VillosoOctober 3, 20261 min read0 views
Dalawang batang estudyante patay matapos makuryente sa Color and Bubble Fun Run sa Isabela
Share:

PATAY ang dalawang estudyante matapos makuryente habang dumadalo sa isang Color and Bubble Fun Run sa Cauayan South Central School Sabado ng umaga, Oktubre 3.

Ayon sa pulisya kinilala ng mga kaanak at saksi ang mga nasawi bilang isang 8-anyos na Grade 3 pupil na lalaki at isang 7-anyos na babae, na kapwa iniulat na namatay sa lugar ng insidente.

Dalawa pang bata, edad 9 at 6, ang nasugatan din sa insidente at isinugod sa Cauayan Medical Specialist Hospital at Cauayan District Hospital.

Nagtamo ng mga sugat sa braso at mga kamay ang 9-anyos na bata at kalaunan ay pinayagang makauwi.

Samantala, inoobserbahan pa sa ospital ang 6-anyos.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula nang maaga ang naturang aktibidad nang mangyari ang hindi inaasahang pangyayari dakong 6:20 ng umaga.

Lumabas sa pagsisiyasat na naglalaro ang apat na bata malapit sa isang makinang gumagawa ng makapal na bula nang sila ay makuryente.

Agad namang rumesponde ang mga pulis, rescuers at mga volunteer na nasa lugar upang tulungan ang mga bata at dalhin ang mga ito sa mga kalapit na pagamutan.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente, kabilang ang kung paano nadikitan ng mga bata ang kuryente.

Related Articles