Dating DPWH Secretary Bonoan, pinalaya na sa kustodiya ng PNP

PINALAYA na nitong Biyernes si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan mula sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP), matapos maglabas ng kautusan ang Sandiganbayan Fifth Division.
Ipinasa ng PNP–Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG NCR) si Bonoan sa kanyang pamilya at umalis siya sa PNP General Hospital (PNPGH) sa Camp Crame dakong alas-10:35 ng umaga.
Inatasan ng korte ang PNPGH na palayain si Bonoan matapos bawiin ang commitment order laban sa kanya.
Matagal na siyang naka-hospital arrest dahil sa ilang karamdaman matapos siyang sumuko noong Hunyo.
Noong Martes, pinagbigyan ng Fifth Division ang mosyon ng mga state prosecutor na alisin si Bonoan sa mga kasong graft at plunder na kinakaharap din ni Senador Jinggoy Estrada at tatlong dating DPWH district engineers.
Bahagi ito ng hakbang upang gawing state witness si Bonoan sa mga kasong may kaugnayan sa mga anomalya sa flood control project.
Hindi humarap sa media si Bonoan nang lumabas siya ng PNPGH.
Bago ang kanyang paglaya, kinumpirma ni CIDG NCR chief Police Col. John Guiagui na natanggap nila sa pamamagitan ng email dakong alas-5 ng hapon noong Huwebes ang kautusan ng Sandiganbayan.
Pinatunayan at ipina-certify nila ito sa korte ng Biyernes ng umaga.
“Masaya siya na mare-release siya,” ani Guiagui.
Ayon kay Guiagui, hindi na sasamahan ng CIDG si Bonoan palabas ng ospital dahil wala na ito sa kanilang kustodiya.
Samantala dakong ala 1:30 ng hapon nang dumalo si Bonoan sa arraignment nito sa Second Division sa pamamagitan ng teleconference para sa isa pa niyang kasong graft.
Nakapagpiyansa na siya ng P90,000 para sa kasong ito noong Mayo 29.
Sina Estrada, dating South Manila District Engineering Office chief Manny Bulusan, dating Quezon City 1st DEO chief Arturo Gonzales Jr., at dating North Manila DEO assistant chief Denryl Caesar Cortuna ay inakusahan ng umano’y pagkamal ng kabuuang P573.75 milyon na kickback mula sa mga proyektong nakapaloob sa 2025 national budget.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
