Pulis sugatan sa mukha matapos suntukin ng Grade 11 student sa Bacolod City

SUGATAN sa ilalim ng mata ang isang 43-anyos na aktibong pulis matapos suntukin sa mukha ng 16-anyos na Grade 11 student sa labas ng isang paaralan sa Barangay Granada, Bacolod City araw ng Linggo.
Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente matapos sawayin ng pulis na may ranggong Police Master Sergeant, ang grupo ng mga kabataang naglalaro ng skateboard sa gitna ng kalsada.
Kasunod nito ay bigla na lamang lumapit sa kanya ang menor de edad na suspek at mabilis siyang sinuntok nito sa mukha.
Nahinto lamang ang pananakit ng binatilyo dahil sa ilang mga residente sa lugar ang nakakita at umawat sa suspek.
Nagtamo ng malaking sugat sa ilalim ng mata ang pulis.
Nasa kustodiya na ng CSWDO ang menor de edad na suspek matapos itong isuko ng sarili nitong ina.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
