Grade 11 student, patay sa saksak matapos ang rambulan sa bilyaran sa Quezon City

Patay ang isang Grade 11 student matapos pagsasaksakin ng kapwa estudyante kasunod ng nangyaring rambulan sa isang bilyaran sa Pasong Putik, Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Timothy Aniway, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 16, nagkaroon ng pagtatalo ang grupo ng biktima at grupo ng mga suspek dakong alas-9 ng gabi na nauwi sa suntukan.
Makikita rin sa isang video ang mga kabataan na lumabas sa kalsada habang naghabulan at nagpatuloy sa kanilang suntukan.
Dakong alas-11:45 ng gabi nang makatanggap ang pulisya ng tawag mula sa Commonwealth Hospital tungkol sa mga sugatang kabataan na isinugod sa pagamutan.
Agad na nagtungo ang mga pulis sa ospital at doon nakumpirmang isang biktima ang nasaksak habang isa pa ang nagtamo ng pinsala sa ulo, ayon kay Aniway.
Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang grupo hanggang sa mauwi ito sa rambulan.
Sa kasagsagan ng away, bumunot umano ng patalim ang isa sa mga suspek at sinaksak ang biktima sa dibdib at hita.
Isinugod sa ospital ang binatilyo ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay dahil sa tinamong mga sugat.
Samantala, nasugatan din sa ulo ang isa sa mga kaibigan ng biktima matapos umanong hampasin ng bato.
Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 18-anyos na suspek at dalawang menor de edad na umano’y kasabwat nito, na edad 15 at 16.
Lumabas sa imbestigasyon na pawang Grade 10 at Grade 11 students ang mga sangkot sa away, ngunit nag-aaral sila sa magkakaibang eskuwelahan.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang kaanak ng biktima.
Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal ang 18-anyos na suspek.
Nahaharap sa reklamong homicide at physical injuries ang nakasaksak sa biktima.
Samantala, nakatakdang ilipat sa Bahay Pag-asa ang dalawang menor de edad na suspe
Related Articles

Pickup truck, nang araro sa North Fairview, 4 sugatan
ISANG ginang ang nasa kritikal na kondisyon habang nasa 3 iba pa ang sugatan makaraang mang araro ang pick up truck sa Barangay North Fairview, Quezon City umaga ng Miyerkules. Sa paunang impormasyon…

Sunog sumiklab sa isang residential area sa Quezon City
In photo : Mula sa mataas na gusali ay kita ang malaking bahagi na pinsala sa mga kabahayang tinutupok ng apoy habang pilit namang inaapula ng tubig ng mga rumespondeng mga bumbero sa Waling Waling St…

P496.4-M halaga ng shabu nasabat sa loob ng industrial machinery mula Mexico
NASABAT ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P496.413 milyong halaga ng shabu na tumitimbang ng 73.002 kilo, at itinago sa loob ng industrial machinery mula Guadalajara, Mexico. Pinangunahan ng Bureau…
