Isang bar sa Quezon City na may mga paglabag, ikinandado

In photo : Ang main entrance ng Speakeasy bar sa Barangay Loyola Heights, Quezon City na pinaskilan ng Closure order ng lungsod dahil sa mga paglabag sa ordinansa.
IKINANDADO ng Local Government Unit (LGU) ng Quezon City ang isang bar dahil sa nakitang iba't ibang mga paglabag sa ordinansa ng lungsod.
Gabi ng Sabado, Setyembre 5, nang magtungo ang mga tauhan ng Business Permits and Licensing Department (BPLD) para pangunahan ang pagsasara sa Speakeasy Bar na matatagpuan sa Barangay Loyola Heights.
Inisyuhan ng Temporary Closure Order (TCO) ang naturang bar sa Esteban Abada Street dahil sa patung-patong na paglabag sa mga ordinansa kabilang ang Revenue Code, Liquor Ordinance, at Comprehensive Zoning Ordinance ng lungsod.
Nilabag din nito ang Philippine Fire Code dahil walang naipresentang Fire Safety Inspection Certificate ang pamunuan ng establisyimento mula sa QC Fire District (QCFD).
Pinangunahan nina BPLD head Marge Mejia ang operasyon kasama sina Department of Public Order and Safety head Elmo San Diego, QCFD Marshal FSSUPT Robert Samillano Jr, at mga kawani ng Quezon City Police District (QCPD).
Related Articles

Pickup truck, nang araro sa North Fairview, 4 sugatan
ISANG ginang ang nasa kritikal na kondisyon habang nasa 3 iba pa ang sugatan makaraang mang araro ang pick up truck sa Barangay North Fairview, Quezon City umaga ng Miyerkules. Sa paunang impormasyon…

Sunog sumiklab sa isang residential area sa Quezon City
In photo : Mula sa mataas na gusali ay kita ang malaking bahagi na pinsala sa mga kabahayang tinutupok ng apoy habang pilit namang inaapula ng tubig ng mga rumespondeng mga bumbero sa Waling Waling St…

P496.4-M halaga ng shabu nasabat sa loob ng industrial machinery mula Mexico
NASABAT ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P496.413 milyong halaga ng shabu na tumitimbang ng 73.002 kilo, at itinago sa loob ng industrial machinery mula Guadalajara, Mexico. Pinangunahan ng Bureau…
