Back to HomeRegions

Habang nanghuhuli ng gagamba,: 15-anyos na binatilyo, kasama pinagbabaril patay

NI Edward VillosoSeptember 8, 20261 min read0 views
Habang nanghuhuli ng gagamba,: 15-anyos na binatilyo, kasama pinagbabaril patay
Share:

PATAY ang isang 15-anyos na binatilyo at ang 26-anyos nitong kasama matapos silang pagbabarilin habang nanghuhuli ng gagamba nitong Lunes ng gabi sa Lucena City.

Ayon sa report ng Lucena City Police, nasa Purok Jasmine, Barangay Domoit ang mga biktima at kanilang mga kasama upang manghuli ng gagamba nang lapitan at atakihin sila ng lalaki dakong alas-10:30 ng gabi.

Sinabi ng pulisya na isang 38-anyos na farm manager ang umano’y suspek sa pamamaril gamit ang shotgun.

Tinamaan at nasawi sa pamamaril ang 15-anyos na binatilyo at ang 26-anyos na kasama nito habang nagsitakbuhan naman ang apat na iba pang kaibigan ng mga biktima.

Narekober ng mga imbestigador sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng shotgun.

Kalaunan ay naaresto rin ng mga pulis ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa pamamaril at iba pang detalye sa insidente.

Related Articles