Lalaki natagpuang patay sa loob ng isang SUV habang naka parada sa Baguio City

ISANG lalaki ang natagpuang patay at duguan sa loob ng isang nakaparadang SUV sa Km. 3, Marcos Highway, Barangay Bakakeng Central, Baguio City, nitong Lunes ng umaga, Oktubre 5, 2026.
Agad rumesponde ang mga awtoridad sa lugar matapos matuklasan ang bangkay.
Sa paunang imbestigasyon, isang 9mm Armscor pistol ang narekober sa loob ng sasakyan.
Nagsagawa rin ng pagsusuri ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang idokumento ang lugar at mangalap ng mga posibleng ebidensyang makatutulong sa pagresolba sa kaso.
Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima, gayundin ang sanhi at motibo sa likod ng insidente.
Tinitingnan din ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang nakuhang baril sa pagkamatay ng lalaki.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
