Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad

KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad.
Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Atty. Ralph Calinisan sa isang press conference nitong Martes, inirekomenda ng mga imbestigador na isailalim si Uy sa pre-charge investigation kaugnay ng mga alegasyon ng grave misconduct, grave abuse of authority, oppression, grave neglect of duty, disgraceful and immoral conduct, at conduct unbecoming of a police officer.
Isinasaalang-alang din ng NAPOLCOM ang preventive suspension ni Uy habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Ilan sa mga nagreklamo laban sa naturang police official ay sina Erika Jane Colle at ang kanyang partner na si Christopher Teodoro Batallier, isang kaibigan nilang nagtago ng mukha sa press briefing, gayundin sina Baliwag barangay chief Jaynor Reyes at ang kanyang kapatid na si Mira.
Personal silang dumalo sa press conference ng NAPOLCOM upang ihayag ang kanilang mga alegasyon laban kay Uy.
Ayon kina Batallier at Colle, humingi umano ng tulong sa kanila si Uy at ang sinasabing kanyang mistress upang isangla ang sasakyan ng pulis sa halagang P150,000.
Sinabi ng mga nagrereklamo na hindi na umano natubos ang sasakyan makalipas ang halos isang taon.
Kalaunan, pinagbabaril umano ang kanilang bahay matapos nilang maningil ng kanilang pera.
Nagharap din sila ng dokumentadong pag-uusap na umano’y nagpapakitang inutusan ng partner ni Uy ang pamamaril sa kanilang bahay.
Ayon naman sa kanilang kaibigan, isang complainant ang nakatakda umanong magbunyag ng impormasyon tungkol kay Uy sa isang programa sa telebisyon.
Ngunit bago ito maisagawa, sinabi niyang binantaan umano siya ng pulis na kasuhan ng carjacking.
Nang humingi umano ng tulong ang civilian couple sa barangay, sinabi nilang ginamit umano nina Uy at ng kanyang partner ang kanilang impluwensiya upang magsampa ng mga kasong anila’y gawa-gawa lamang laban sa mga complainant sa Taguig at Pasay, kung saan dating nakatalaga ang pulis.
Nagsagawa rin ang NAPOLCOM ng motu proprio investigation matapos ipakita rito ang isang lumang video na umano’y nagpapakitang sinasaktan ni Uy ang kanyang partner.
Ayon sa komisyon, napatunayan ng PNP Anti-Cybercrime Group na tunay ang video at hindi ito gawa ng artificial intelligence o AI-generated.
Lumabas din umano sa isang police blotter noong 2022 na nagreklamo ang babae laban kay Uy dahil sa sinasabing physical at financial abuse, ayon sa NAPOLCOM.
Samantala, sinabi rin ng mga imbestigador na napatunayan umano ang mga alegasyong gumagamit ang partner ni Uy ng sasakyan ng Philippine National Police (PNP) at ini-escort ng mga pulis.
Tatlong pulis din umano ang natukoy ng NAPOLCOM na nakatalaga bilang mga escort nito.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

28 sa 119 "bomba" sa pumping stations ng MMDA palyado - COA
NATUKLASAN ng Commission on Audit (COA) na 28 sa 119 bomba o pumps na ginagamit sa malalaking pumping stations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang hindi gumagana. Ang dahilan umano…
