5 dialysis patients nasaktan sa bumagsak na elevator ng clinic sa Gapo

LIMA ang iniulat na nasaktan makaraang bumagsak ang elevator ng isang dialysis clinic na matatagpuan sa Barangay Kalaklan, Olongapo City umaga ng Lunes.
Batay sa impormasyon, pasado alas 6 ng umaga nang maganap ang insidente sa ikalawang palapag na gusali ng Dialysis clinic sa naturang lugar.
Sinasabing pumalya umano ang kable ng elevator bago huminto ng ilang segundo hanggang sa ito ay tuluyang bumagsak sa unang palapag.
Napag alamang nasa limang indibidwal na pawang mga dialysis patients ang sakay at nasaktan sa pag bagsak ng elevator.
Agad namang binigyan ng atensyong medikal ang mga pasyente na karamihan ay nakaranas ng pananakit ng kanilang hita, bewang at braso.
Nabatid na unang batch ng mga isasalang palang na mga pasyente sa dialysis machine ang naging biktima sa insidente.
Patuloy namang tinutukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng pagka diskaril ng kable ng elevator.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
