Back to HomeNation

Asylum application ni Harry Roque, tinabla - Remulla

NI alex Galang September 15, 20261 min read0 views
Asylum application ni Harry Roque, tinabla - Remulla
Share:

TINANGGIHAN ang aplikasyon para sa asylum ni dating presidential spokesperson Harry Roque, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Martes.

Si Roque ay wanted kaugnay ng kasong human trafficking na may kinalaman sa isang umano’y Philippine offshore gaming operator (POGO) sa Pampanga.

Ayon sa mga ulat, nasa Austria si Roque at doon umano naghain ng asylum application dahil sa sinasabing political persecution.

“Na-deny ang asylum application ni Harry Roque. Tapos na yung five months. Kung may International Criminal Police Organization (Interpol) red notice na, kukunin ko siya,” ani Remulla sa press briefing nito sa Camp Crame.

Ang Interpol Red Notice ay kahilingan sa mga law enforcement agency sa iba’t ibang panig ng mundo na hanapin at pansamantalang arestuhin ang isang tao habang hinihintay ang extradition, surrender, o iba pang legal na hakbang.

Gayunman ay hindi agad matukoy ni Remulla kung aling bansa ang tumanggi sa aplikasyon ni Roque.

Sinabi ni Remulla na ang tinutukoy niyang limang buwan ay ang “usual time for processing” o karaniwang panahon ng pagproseso ng isang asylum application.

Related Articles