Amerikanong turista nasawi sa suntukan sa isang bar sa Bohol

NASAWI ang isang 63-anyos na Amerikanong turista matapos umanong hampasin ng silya sa gitna ng suntukan sa isang bar sa Panglao, Bohol nitong Sabado ng gabi, Setyembre 26.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Williams,” na kasalukuyang nakatira sa isang resort sa Barangay Tawala, Panglao.
Ayon sa Bohol Tourist Police Unit, naganap ang insidente sa Escape Bar sa kahabaan ng Alona.
Nakatanggap ang pulisya ng ulat mula sa isang concerned citizen bandang alas-11:45 ng gabi hinggil sa nagaganap na away, dahilan upang agad na rumesponde ang mga awtoridad sa lugar.
Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa hindi pa malamang dahilan sina Williams at isang 41-anyos na Pilipino habang kapwa umano nasa impluwensiya ng alak.
Nauwi ang pagtatalo sa suntukan at sa gitna ng komprontasyon, sinabi ng pulisya na kumuha umano ng silya ang suspek at hinampas si Williams, dahilan upang mawalan ito ng malay.
Isinugod ang biktima sa Governor Celestino Gallares Memorial Medical Center sa Tagbilaran City.
Gayunman, idineklarang dead on arrival si Williams dakong alas-12:20 ng madaling-araw ng Linggo, Setyembre 27.
Inaresto naman ng rumespondeng mga pulis ang suspek na nasa lugar pa ng pinangyarihan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa kung ano ang punot dulo ng insidente.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
