Romualdez, inilipat sa New Quezon City Jail sa Payatas

INIUTOS ng Sandiganbayan Third Division nitong Lunes ang paglilipat kay dating House Speaker Martin Romualdez sa New Quezon City Jail sa Barangay Payatas, Quezon City mula sa Philippine General Hospital (PGH).
Inanunsyo ni Associate Justice Karl Miranda ang kautusan ng korte.
Mula nitong Sabado ay naka-confine si Romualdez sa PGH.
Naglabas ang korte ng arrest warrant laban kay Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, at dalawa pang akusado kaugnay ng kasong plunder na may kinalaman sa umano’y P7.44 bilyong kickback.
Ang paglilipat kay Romualdez sa naturang piitan ay bahagi ng pagpapatupad ng arrest warrant na inilabas ng Sandiganbayan laban sa kanya.
Hindi pa malinaw kung kailan eksaktong ilalabas si Romualdez sa PGH at ihahatid sa New Quezon City Jail, dahil nakasalalay ito sa kanyang medical clearance at iba pang kaukulang proseso.
Patuloy namang dinidinig ng Sandiganbayan ang mga kaugnay na usapin sa kasong plunder laban sa mga akusado.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
