Back to HomeRegions

50-anyos na babae patay matapos pagtatagain sa ulo ng live in partner

NI edward VillosoAugust 22, 20261 min read0 views
50-anyos na babae patay matapos pagtatagain sa ulo ng live in partner
Share:

PATAY ang isang 50-anyos na babae matapos umanong pagtatagain sa ulo ng kanyang live-in partner sa Tanjay City, Negros Oriental.

Batay sa paunang imbestigasyon, galing sa isang fiesta ang mag-partner kasama ang kanilang dalawang anak nang magkaroon umano ng pagtatalo habang pauwi sila.

Selos umano ang pinaniniwalaang nag-udyok sa away, bagama’t patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang eksaktong motibo sa krimen.

Ayon sa pulisya, una umanong sinuntok ng suspek ang biktima hanggang sa matumba ito.

Kumuha umano ang suspek ng itak at pinagtataga sa ulo ang biktima, na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Tumakas ang suspek matapos ang insidente at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Isinasagawa rin ang karagdagang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari sa likod ng krimen.

Related Articles