Back to HomeRegions

Lalaking nagtitinda ng rolling malunggay pandesal binaril sa ulo patay

NI Edward VillosoAugust 17, 20261 min read0 views
Lalaking nagtitinda ng rolling malunggay pandesal binaril sa ulo patay
Share:

ISANG lalaking nagtitinda ng rolling malunggay-pandesal sa kalsada ang binaril sa Barangay Bulit, Datu Montawal, Maguindanao del Sur, nitong Lunes ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas 7 ng umaga.

Isang armadong lalaki na sakay sa motorsiklo ang lumapit sa biktima at walang sabi sabing binaril ito.

Ayon sa ulat, namatay ang biktima bunsod ng tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang ulo habang ito ay nag aayos ng kanyang panindang malunggay pandesal.

Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima dahil wala itong dalang identification card nang mangyari ang insidente.

Patuloy na nangangalap ng karagdagang impormasyon ang pulisya kaugnay kung sino ang suspek sa pamamaril.

Hindi pa batid ang motibo sa pamamaril habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Related Articles