Lalaki todas sa pamamaril ng dating kinakasamang live in partner

Isang 33-anyos na lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin habang naglalakad pauwi sa Purok 4, Sitio Pantaron, Barangay Banlag, Valencia City, Bukidnon Sabado ng gabi.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente habang ang biktima ay mag isang naglalakad pauwi.
Sinasabing nilapitan umano ang biktima ng isang lalaki at mabilis na pinaputukan ng tatlong beses.
Tinamaan ang biktima sa dibdib, tiyan at hita na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Ayon kay Police Lt. Col. Hope Mark Orbuda, OIC chief ng Valencia City Police Station, isang tao na ang tinukoy na person of interest na sinasabing dating live-in partner ng kasalukuyang kinakasama ng biktima.
Dahil dito, kabilang sa tinitingnang anggulo ng mga awtoridad ang selos o personal na alitan bilang posibleng motibo sa krimen, bagama’t patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang tunay na dahilan ng pamamaril.
Agad inilunsad ng pulisya ang Oplan Shield at nagsagawa ng hot pursuit operation upang mahanap at maaresto ang suspek.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
