Back to HomeRegions

Bagong sibol na robbery group sa Zambales nalansag ng pulisya

NI Edward VillosoOctober 1, 20262 min read0 views
Bagong sibol na robbery group sa Zambales nalansag ng pulisya
Share:

NALANSAG ng Police Regional Office 3 (PRO 3) ang bagong papasibol na robbery group na kumikilos sa malaking bahagi ng lalawigan ng Bataan, Olongapo at Zambales.

Ito ay kasunod ng operasyon ng pulisya matapos salakayin ang pinagkukutaan ng robbery group sa bayan ng Castillejos, Zambales ilang oras ng magsagawa ng panghoholdap sa isang gasolinahan.

Ayon kay Police Regional Office 3 (PRO3) Director Police Brig General Jess Mendez, ikinasa ang operasyon nitong araw ng Martes, September 29 ng salakayin ang kuta ng mga suspek sa Barangay Balaybay.

Apat na kalalakihan ang naaresto sa operasyon kung saan nasa pitong iba't ibang uri ng baril at isang Granada ang nakumpiska.

“In the past few days, meron tayong ipinatupad, part noong COPLAN natin, na nag-serve tayo ng search warrant sa isang target. Ang target natin ay emerging robbery group na nag-o-operate sa Bataan, Olongapo and Zambales. They were involved in three different armed robbery incidents, one in Bataan and two in Zambales," saad ng opisyal.

" During the implementation of the search warrant, may nahuli tayong dalawang tao. Nakakuha tayo ng tatlong firearms at isang granada. Doon sa follow-up operation natin, may nakuha tayong apat na baril at nakaaresto pa tayo ng dalawang tao. All in all, seven firearms ang nakuha at one hand grenade, apat na tao ang naaresto natin,” ani Mendez.

Ayon kay Mendez, nagsimula ang grupo sa mga maliliit na krimen gaya ng snatching at holdup sa kalsada hanggang sa lumaki ito, pero sa tulong ng intelligence-driven operation ay isa-isa nang nahuli ng pulisya ang mga miyembro nito.

Nagbabala si Mendez sa mga nagpaplanong bumuo ng crime group dahil hindi sila magtatagumpay at mabilis na tutuldukan ang paghahasik ng krimen.

Related Articles