7 traysikel sa illegal drag race sa Marikina tinutugis ng LTO

Patuloy na tinutugis ng Land Transportation Office (LTO) ang pitong tricycle na umano’y sangkot sa ilegal na karera sa Marcos Highway sa Marikina City.
Batay sa nakalap na video footages, makikitang isang grupo ng mga traysikel ang sunod-sunod na humarurot sa Marcos Highway pasado alas-2 ng madaling araw nitong Linggo.
Nagsimula umano ang insidente nang isang tricycle ang biglang sumulpot sa kaliwang bahagi ng isang sasakyang dumaraan malapit sa intersection ng Felix Avenue sa Cainta, Rizal at Mayor Gil Fernando Avenue sa Marikina.
Makalipas ang ilang segundo, apat pang tricycle ang mabilis na sumunod at nag-overtake sa isa’t isa.
Muntik pang tumagilid ang isang tricycle matapos magsagawa ng biglaang pag-overtake.
Dalawa pang tricycle ang umano’y sumunod sa grupo, na ayon sa may-ari ng dashcam video ay ilang kilometro ang tinakbo habang nagkakarera sa highway.
Ayon sa isang saksi, ilang linya ng Marcos Highway ang ginagamit ng mga tricycle habang mabilis na nagpapalipat-lipat ng lane, na nagdulot umano ng panganib sa iba pang motorista.
Wala rin umanong nakakabit na plaka sa mga tricycle at may mga takip o bahagi sa likuran na tinanggal, batay sa obserbasyon ng saksi.
Napilitan din umanong umiwas ang ilang motorista, kabilang ang mga truck, upang hindi mabangga ang grupo ng mga tricycle.
Iniulat na sa LTO ang insidente at agad namang nagbabala ang ahensya laban sa mga driver na sangkot sa naturang gawain.
Ayon kay LTO chief Markus Lacanilao, maaaring ma-impound ang mga tricycle kapag mapatunayang hindi tugma ang mga ito sa kanilang rehistro, paso ang registration o may iba pang paglabag sa batas.
Sinabi rin ni Lacanilao na may kaukulang mabibigat na multa para sa mga ilegal na modification, kabilang ang mga pagbabagong ginagawa umano sa mga tricycle upang pagaanin ang mga ito at gamitin sa karera.
Patuloy naman ang pagtukoy ng LTO sa pagkakakilanlan ng mga driver at mga tricycle na makikita sa video upang mapanagot ang mga sangkot sa mga posibleng paglabag.
Related Articles

Pickup truck, nang araro sa North Fairview, 4 sugatan
ISANG ginang ang nasa kritikal na kondisyon habang nasa 3 iba pa ang sugatan makaraang mang araro ang pick up truck sa Barangay North Fairview, Quezon City umaga ng Miyerkules. Sa paunang impormasyon…

Sunog sumiklab sa isang residential area sa Quezon City
In photo : Mula sa mataas na gusali ay kita ang malaking bahagi na pinsala sa mga kabahayang tinutupok ng apoy habang pilit namang inaapula ng tubig ng mga rumespondeng mga bumbero sa Waling Waling St…

P496.4-M halaga ng shabu nasabat sa loob ng industrial machinery mula Mexico
NASABAT ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P496.413 milyong halaga ng shabu na tumitimbang ng 73.002 kilo, at itinago sa loob ng industrial machinery mula Guadalajara, Mexico. Pinangunahan ng Bureau…
