9 storey-building sa Angeles City gumuho; 1 Malaysian patay, 23 nawawala

NASAWI ang isang turistang Malaysian at hindi bababa sa 23 katao ang nawawala pa makaraang gumuho ang isang gusaling may siyam na palapag na itinatayo sa isang subdibisyon sa Bgy. Balibago, Angeles Ci…
NASAWI ang isang turistang Malaysian at hindi bababa sa 23 katao ang nawawala pa makaraang gumuho ang isang gusaling may siyam na palapag na itinatayo sa isang subdibisyon sa Bgy. Balibago, Angeles City ang gumuho noong Linggo ng madaling araw, ayon sa mga awtoridad.
Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ang turistang Malaysian ay na-trap sa loob ng apartelle na katabi ng gumuhong gusali.
Hindi bababa sa 26 katao ang nakaligtas sa pagguho, ayon sa Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO).
Sinabi ng direktor ng Police Regional Office 3 na si Brig. Gen. Jess B. Mendez na nagpapatuloy ang mga operasyon sa paghahanap at pagsagip sa oras ng paglalathala.
Ayon pa kay Mendez na ang pagguho ng gusali ay humarang sa dalawang pangunahing kalye sa lugar.
Aniya, ang mga nailigtas na indibidwal ay isinugod sa Ospital Ning Angeles (ONA) matapos ang insidente na naganap bandang 3:45 ng umaga sa kanto ng Oak at Teodoro Streets sa Bgy. Balibago.
Gumuho ang gusali kasunod ng malakas na ulan at hangin na tumama sa lungsod noong Sabado ng gabi.
Isang tindero sa harap ng construction site ang nagsabi sa pulisya na nakarinig siya ng malakas na ingay ilang sandali bago gumuho ang istruktura na naging dahilan upang pansamantala siyang mawalan ng malay.
Dagdag pa niya na nang matauhan siya, nakita niya ang tuluyang pagguho ng gusali, na may mga debris na kumakalat sa magkabilang kalye.
Agad na rumesponde ang mga miyembro ng lokal na istasyon ng pulisya upang protektahan ang lugar, habang ang mga yunit ng departamento ng bumbero at mga emergency medical team ay ipinadala upang tumulong sa mga rescue and emergency operations.
Hindi pa natutukoy ng mga imbestigador ang sanhi ng pagkasira ng istruktura.
Sinabi rin ng mga opisyal na ang eksaktong bilang ng mga posibleng nasawi at ang lawak ng pinsala sa ari-arian ay nananatiling hindi pa natutukoy habang hinihintay ang karagdagang assessment.
Related Articles

Death toll from deadly Sarangani quake rises to 37
The death toll from the powerful magnitude 7.8 earthquake that struck off the coast of Maasim, Sarangani on Monday morning has climbed to 37, while 479 people were reported injured and four others rem…

Magnitude 7.8 quake off Sarangani kills 19, damages buildings, triggers tsunami warning
A powerful magnitude 7.8 earthquake struck off the coast of Sarangani on Monday morning, June 8, killing at least 19 people, damaging buildings, disrupting utility services, and prompting the suspensi…

SM City Olongapo volunteers join Brigada Eskwela, help refresh public school facilities
OLONGAPO CITY - Volunteers from SM Supermalls—through SM City Olongapo Central and SM City Olongapo Downtown—turned a day of service into a meaningful and energetic community effort as they took part …
