Back to HomeRegions

Nilalamon ng dalampasigan: Zambales provincial government idideklarang "danger zone" ang pamosong Liwliwa beach

NI JG TumbadoOctober 3, 20262 min read0 views
Nilalamon ng dalampasigan: Zambales provincial government idideklarang "danger zone" ang pamosong Liwliwa beach
Share:

In photo : Ang pagpupulong ng Zambales Provincial Foreshore Lease Management Council (ZPFLMC) at Provincial government sa pangunguna ni Zambales Governor Jun Ebdane Jr sa planong pagsasara sa Liwliwa beach.

BINABALAK na ng pamahalaang panlalawigan ng Zambales ang tuluyang pagsasara at pagdedeklarang "danger zone" ang sikat na beach destination na 'Liwliwa' at ilang bahagi ng coastal tourism area sa San Felipe.

Ito ang lumutang sa plano makaraan ang mga konsultasyon ng Zambales Provincial Foreshore Lease Management Council (ZPFLMC) kasama ang iba pang concerned government agencies.

Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng mga beach resort sa San Felipe, partikular sa Sitio Liwliwa, kung saan may mga konkretong istrukturang itinayo sa loob ng tinatawag na accretion area ang unti unting nilalamon o ang pagdaragdag ng lupa o buhangin dahil sa natural na pag-ipon ng sediment.

Ayon kay Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr., ilang residential house at resort building sa Liwliwa ang lumubog at napinsala ng dagat kasunod ng serye ng mga weather disturbance noong nakaraang buwan.

Sinabi ni Ebdane na ang mga istrukturang itinayo sa loob ng accretion area ay tila “binawi ng dagat.”

“The concrete foundations, the steel bars and other materials remain submerged in the water and unseen by beach goers. They remain a threat to every swimmer’s safety,” ani Ebdane.

Dahil dito, isinasaalang-alang ng lalawigan, batay sa rekomendasyon ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at Municipal Tourism Office, ang pagdedeklara sa Liwliwa bilang danger zone.

Layunin umano nitong maprotektahan ang publiko hanggang sa tuluyang maalis ang mga debris at iba pang mapanganib na materyales na nananatili sa ilalim ng tubig.

Related Articles