Habang tulog dahil sa kalasingan; mangingisda binurdahan ng saksak ng kainuman

PATAY ang isang mangingisda matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang kainuman habang natutulog kasunod ng mainitang pagtatalo sa Barangay Binogawan, San Policarpo, Eastern Samar, nitong Sabado ng hapon, Oktubre 3, 2026.
Kinilala ang biktima sa pangalang “Rod,” isang biyudo at residente ng naturang bayan.
Nangyari ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon sa bahay mismo ng biktima.
Samantala, kinilala din ng pulisya ang suspek na si “Lito,” 61, isa rin biyudo at magsasaka na residente ng parehong bayan.
Ayon sa San Policarpo Municipal Police Station. magkasamang nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang dalawa pang indibidwal nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang pag-uusap.
Makalipas umano ang ilang sandali ay kumalma ang sitwasyon.
Gayunman, nang makatulog ang biktima, nilapitan umano siya ng suspek at pinagsasaksak sa dibdib.
Isinugod ang biktima sa San Policarpo Rural Health Unit, ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, agad na nagtungo ang mga pulis sa bahay ng suspek matapos siyang positibong ituro ng isang saksi.
Narekober ng mga awtoridad ang patalim na umano’y ginamit sa pananaksak.
Dinala ang suspek at ang nakuhang armas sa San Policarpo Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Patuloy pa na inaalam ng mga awtoridad ang punot dulo ng krimen.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
