39 patay, 20 sugatan sa hagupit ng habagat

UMABOT na sa 39 katao ang nasawi, 20 ang nasugatan at tatlo ang nawawala dahil sa pinagsamang epekto ng mga bagyo at Habagat, ayon sa pinakahuling disaster monitoring data nitong Miyerkules, Setyembre 2, 2026.
Pinakamaraming nasawi sa Benguet na may 15, karamihan ay dahil sa mga pagguho ng lupa sa Baguio City, La Trinidad at Atok.
May mga naitalang pagkamatay din sa La Union, Pangasinan, Zambales, Pampanga, Rizal, Batangas, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Negros Occidental at Caloocan City.
Samantala, 20 katao ang nasugatan, kabilang ang 12 sa Benguet. Karamihan sa mga insidente ay may kaugnayan sa pagguho ng lupa at pagbagsak ng mga puno, habang ang iba ay dulot ng malalakas na agos ng tubig at aksidente sa sasakyan.
Tatlo naman ang patuloy na nawawala—isa sa Quezon City, isa sa Maynila at isa sa Batangas City. Kabilang sa mga iniimbestigahang kaso ang insidente ng pagkalunod.
Tinatayang 2.7 milyong pamilya o 9.4 milyong katao na ang naapektuhan ng magkakasunod na kalamidad sa Regions I, III, V at VI, CALABARZON, CAR, NCR at MIMAROPA.
Aabot naman sa 6,328 barangay ang naapektuhan.
Nakapagtatag ang mga awtoridad ng 968 evacuation centers, kung saan kasalukuyang nakasilong ang 20,279 pamilya o 71,364 katao.
Halos 4,000 bahay nasira Tinatayang 3,900 bahay ang napinsala, kabilang ang 3,400 bahagyang nasira at 538 tuluyang nawasak.
Umabot naman sa P6.27 bilyon ang tinatayang pinsala sa imprastraktura, habang P2.84 bilyon naman ang pinsala sa sektor ng agrikultura.
Sa kabuuan, nasa P1.85 bilyon na ang halaga ng tulong na naipamahagi ng pamahalaan at mga tumutugong ahensya sa mga apektadong komunidad.
178 lugar idineklarang state of calamity
May kabuuang 178 lugar na ang nagdeklara ng state of calamity. Kabilang dito ang: Dagupan City – 1 Pangasinan – 47 Benguet – 14 Bataan – 12 Bulacan – 24 Pampanga – 21 Zambales – 13 Tarlac – 18 Rizal – 1 Cavite – 23 Batangas – 1 Occidental Mindoro – 3
Pinakamarami sa Pangasinan ang nagdeklara ng state of calamity na may 47 lugar, kabilang ang province-wide declaration sa 39 lugar.
Samantala, umabot na sa 711 lugar ang naitalang binaha dahil sa patuloy na epekto ng malalakas na pag-ulan, pagbaha, pagguho ng lupa at malalakas na agos ng tubig.
Patuloy ang rescue, relief at recovery operations ng mga awtoridad habang isinasagawa rin ang patuloy na pagtatasa sa pinsala sa mga bahay, imprastraktura at kabuhayan ng mga apektadong residente.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
