Bilang ng mga nasawi sa nasunog na barko sa Palawan umakyat sa 76 na

NASA 76 na ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi sa nasunog na MV June Aster ferry sa Coron, Palawan, ayon sa Philippine Coast Guard.
Sa bagong tala ng PCG, nadagdagan pa ng 41 ang bilang ng mga nasawi, habang 13 ang bilang ng mga patuloy pa ring pinaghahanap.
Nananatili namang 43 ang bilang ng mga nakaligtas sa nasunog na ferry.
Ayon kay PCG Spokesperson Noemie Cayabyab, dadalhin ang mga labi sa BRP Cape Engaño.
Batay sa opisyal na listahan ng mga pasahero, 134 ang tinatayang may pangalan ang sumakay sa MV June Aster, habang dalawa naman ang tinatayang hindi nakasakay sa nasabing barko.
Kinumpirma naman ng PNP-SOCO na kasama rin sa mga narekober na labi ang isang alagang aso.
Ayon sa Philippine Coast Guard at ilan pang ahensya, maaari pang mabago ang bilang habang nagpapatuloy ang proper recovery at identification sa nasunog na barko.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
