Back to HomeRegions

Sekyu arestado sa pangmomolestiya sa 19-anyos na estudyante

NI Edward VillosoSeptember 1, 20261 min read0 views
Sekyu arestado sa pangmomolestiya sa 19-anyos na estudyante
Share:

ARESTADO ang isang 48-anyos na security guard matapos umanong mangmolestiya sa isang 19-anyos na babaeng estudyante sa loob ng isang commercial complex sa Barangay Kalubihan, Cebu City araw ng Martes.

Dinakip ng mga tauhan ng Cebu City Police Office (CCPO) Carbon Police Station 5 ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Joe,” residente ng Barangay Tingub, Mandaue City, kasunod ng isang hot-pursuit operation nitong Martes ng umaga, Setyembre 1.

Ayon kay Police Master Sergeant Genevieve T. Garche, nangyari ang insidente dakong alas-11:40 ng gabi noong Agosto 31 sa kahabaan ng Sanciangko Street.

Dakong alas-7:30 ng umaga kinabukasan nang magtungo sa Police Station 5 ang biktima, na tinukoy sa alyas na “Anna,” kasama ang kanyang boardmate upang ireport ang umano’y pangyayari.

Agad na rumesponde ang mga pulis at nagsagawa ng paunang imbestigasyon sa lugar.

Nakilala umano ng biktima ang suspek, na noon ay naka-duty bilang security guard sa establisimyento, na nagresulta sa kanyang agarang pagkakaaresto.

Nananatili ang suspek sa holding facility ng Police Station 5 habang inihahanda ng mga awtoridad ang pormal na pagsasampa ng reklamo sa Cebu City Prosecutor’s Office.

Related Articles