Estudyante patay, apat pa nawawala matapos tangayin ng flash flood sa Zamboanga Sibugay

ISANG Grade 11 student ang nasawi habang apat na iba pang estudyante ang nawawala matapos tangayin ng biglaang pagragasa ng tubig habang sila ay naliligo sa ilog sa Roseller T. Lim, Zamboanga Sibugay noong Huwebes, Setyembre 24.
Sa ulat ng pulisya nitong Sabado, kinilala ang nasawing biktima na isang estudyanteng nagngangalang Dave, habang patuloy na pinaghahanap ang apat pa nitong kasama.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Roseller T. Lim Municipal Police Station (RT Lim MPS), pawang mga Grade 11 students mula sa Surabay National High School ang nagtungo sa ilog sa Purok Santan bandang alas-4:30 ng hapon upang maligo.
Bigla umanong bumuhos ang malakas na ulan sa lugar na naging sanhi ng mabilis na pagtaas ng tubig sa ilog at pagbuo ng malakas na agos na tumangay sa limang estudyante.
Nakaligtas naman ang anim pang estudyante sa insidente.
Personal na nagtungo sa RT Lim MPS ang isang municipal rescuer upang i-turn over sa pulisya ang anim na estudyanteng nailigtas.
Patuloy naman ang search and rescue operations ng mga awtoridad upang mahanap ang apat na nawawalang estudyante.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
