Oil price rollback sa susunod na linggo

POSIBLENG makaranas ng pansamantalang ginhawa ang mga motorista dahil sa inaasahang pagbaba sa presyo ng krudo sa susunod na linggo.
Ayon kay Jetti Petroleum’s Leo Bellas, maaaring bumaba ng P3.50 hanggang P4 kada litro ang presyo ng diesel batay sa unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at sa galaw ng foreign exchange market.
Samantala, inaasahang maglalaro naman sa 25 hanggang 75 sentimos kada litro ang posibleng rollback sa presyo ng gasolina.
Sinabi ni Bellas na bumaba ang presyo ng langis ngayong linggo matapos hindi umabot sa inaasahan ng merkado ang mga bantang sanction ng United States.
Ayon sa kanya, nabawasan nito ang pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay ng langis at ang posibilidad ng paglala ng tensyong militar, na maaaring magdulot ng mas malaking problema sa suplay.
Ani Bellas, ang pagbaba ng presyo ay nagpapakitang mas mababa ang panganib sa aktuwal na suplay ng langis mula sa economic pressure kumpara sa posibilidad ng military escalation.
Batay ang pagtataya ni Bellas sa galaw ng presyo ng refined petroleum products sa unang apat na araw ng trading sa MOPS, gayundin sa pagbabago ng halaga ng piso laban sa dolyar.
Ang MOPS ang pangunahing benchmark na ginagamit sa pagpepresyo ng mga refined petroleum products sa Southeast Asia.
Maaari pang magbago ang inaasahang price adjustments depende sa galaw ng presyo ng langis sa natitirang araw ng trading at iba pang market factors.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
