5 arestado kabilang ang 2 aktibong pulis sa pangingikil sa mga aplikante ng PNP

LIMANG indibidwal, kabilang ang dalawang aktibong pulis, ang dinakip ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon kaugnay ng umano’y extortion o pangingikil sa mga aplikante ng Philippine National Police (PNP) na nais pumasok sa serbisyo.
Isinagawa ang mga operasyon noong Setyembre 12, 2026 matapos magsumbong ang isang 29-anyos na PNP applicant hinggil sa umano’y grupong nanghihingi ng pera kapalit ng pangakong pagtulong sa kanyang pagpasok sa PNP.
Ayon sa PNP, unang isinagawa ang entrapment operation sa harap ng isang shooting range store sa Barangay San Nicolas, City of San Fernando, Pampanga, ng mga tauhan ng CIDG RFU 3, CIDG Pampanga PFU, CI-RID PRO 3, RSOG at San Fernando City Police Station.
Tatlong sibilyan, edad 59, 55 at 62, ang naaresto nang aktong tanggapin umano ng isa sa kanila ang marked money mula sa complainant.
Una umanong humingi ang mga suspek ng P250,000, ngunit kalaunan ay ibinaba sa P150,000 ang hinihinging halaga kapalit ng umano’y tulong sa pagproseso ng admission ng aplikante sa PNP.
Narekober sa operasyon ang P1,000 genuine marked money at P50,000 boodle money, gayundin ang mga cellphone, government-issued IDs, isang sling bag at isang Honda Mobilio.
Batay sa PNP, nagsimula ang intelligence gathering at surveillance matapos i-report ng complainant ang umano’y recruitment-extortion scheme noong Setyembre 7.
Sa follow-up investigation, nadiskubre umano ng mga awtoridad ang posibleng pagkakasangkot ng dalawang aktibong miyembro ng PNP.
Isa sa mga ito ay Police Lieutenant na nakatalaga bilang Team Leader ng Basilan Provincial Cyber Response Team ng Anti-Cybercrime Group.
Naaresto siya sa Quezon City kaugnay ng imbestigasyon.
Naaresto rin ang isang Patrolman na nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO) matapos malaman ng mga imbestigador na nakatakda umano itong tumanggap ng bahagi ng perang makokolekta mula sa transaksyon.
Ayon sa PNP, kusang nagbigay ng impormasyon ang isa sa mga naarestong sibilyan hinggil sa planong pakikipagkita ng grupo sa naturang police officer matapos makuha ang hinihinging pera.
Nagsagawa agad ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa Patrolman.
Narekober mula sa operasyon ang P1,000 genuine marked money, P9,000 boodle money at isang cellphone
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
