Back to HomeRegions

Pulis na rumesponde sa pag aamok ng lalaki naputulan ng kamay

NI edward VillosoAugust 23, 20261 min read0 views
Pulis na rumesponde sa pag aamok ng lalaki naputulan ng kamay
Share:

NAPUTOL ang kaliwang kamay ng isang pulis makaraan siyang atakihin ng 38-anyos na lalaking nag aamok at armado ng bolo habang rumeresponde sa kaguluhan sa San Jose, Camarines Sur, nitong Sabado ng tanghali.

Ayon sa San Jose Municipal Police Station (SJMPS) , nakatanggap sila ng tawag pasado alas 11 ng tanghali mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang lalaking may dalang bolo at nag aamok sa Zone 2, Barangay Calalahan.

Unang sinubukan ng mga pulis na kausapin at pakalmahin ang suspek na sinasabing may problema sa pag iisip, upang maresolba ang sitwasyon nang maayos.

Habang nasa kalagitnaan ng negosasyon ay bigla umanong sumugod at sinunggaban ng suspek ang biktimang pulis na nakilalang si police staff sergeant Noli Miraña, 42,.

Sa pag atake ng suspek ay natumba ang pulis bago umano ito tinaga sa kaliwang kamay ng suspek, dahilan upang maputol ito.

Dito na gumanti ang mga kasamahang pulis at pinaputukan ang suspek na tinamaan sa hita.

Kapwa isinugod sa ospital ang pulis at ang suspek na kasalukuyang ginagamot ang kanilang mga tinamong sugat.

Nahaharap sa mga kasong homicide, alarm and scandal at grave threats ang suspek na naka hospital arrest.

Related Articles