Sa kabila ng Comelec gun ban: magsasaka niratrat sa Maguindanao

ISANG 45 anyos na magsasaka ang pinagbabaril at napatay sa Maguindanao del Sur sa kabila ng ipinatutupad na gun ban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kaugnay ng makasaysayang parliamentary elections sa darating na Setyembre 14.
Nakilala ng Police Regional Office-BARMM ang biktima na si Ebrahim Kalotig Timbao, residente ng Barangay Datu Bakal, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur.
Ayon kay Police Capt. Steffi Salanguit, tagapagsalita ng PRO-BARMM, nitong Lunes, ilang persons of interest ang tinututukan ngayon ng mga imbestigador kaugnay ng krimen na naganap dakong alas-5:50 ng hapon ng Linggo sa Barangay Dilembong, Shariff Saydona Mustapha.
Sinabi naman ni Police Capt. Yasher Hadjirulla, acting chief ng Shariff Saydona Mustapha Municipal Police Station, pauwi na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang pagbabarilin sya ng mga armadong suspek na sakay ng isang minivan na walang plaka.
Agad na nasawi si Timbao sa lugar ng insidente.
Kinuha ng pamilya ang bangkay ng biktima at dinala ito sa kanilang tahanan sa Barangay Datu Bakal para sa Islamic burial.
Nakarekober naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang siyam na basyo ng bala na hinihinalang sa kalibre 5.56mm.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo at ang mga nasa likod ng krimen.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
