Walang kaso ng Ebola sa Pilipinas-- DOH

WALA pang naitalang kaso ng Ebola sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Sabado.
Inilabas ng DOH ang pahayag kasunod ng mga kamakailang outbreak Ebola sa Democratic Republic ng Congo at Uganda.
“Para maging malinaw, wala po tayong kaso ng Ebola sa Pilipinas,” sabi ni Undersecretary Albert Domingo, tagapagsalita ng DOH, sa isang panayam sa radyo.
Sinabi ni Domingo na hindi kailangang mag-panic ang mga Pilipino tungkol sa Ebola.
Wala rin aniyang inirerekomenda ang World Health Organization (WHO) na travel ban kaya naman hindi ito kinakailang ipatupad sa bansa.
Gayunpaman, sinabi niya na ang Bureau of Quarantine ay magpapatupad ng mahigpit na screening sa mga pasaherong may history ng paglalakbay sa Democratic Republic ng Congo at Uganda.
Ipinaliwanag ni Domingo na ang Ebola virus ay hindi airborne. Aniya, hindi ito katulad ng COVID-19.
Ayon kay Domingo, ang paraan ng pagkalat ng Ebola ay sa pamamagitan ng mga likido sa katawan.
Sinabi niya na ang mga sintomas ng sakit na Ebola ay unang tuyo tulad ng sakit ng ulo, lagnat, at pananakit ng katawan. Pagkatapos ay susundan ito ng mga basang sintomas, tulad ng pagtatae, pagsusuka, at pagduduwal.
Pinayuhan ng health official ang publiko na palakasin ang kanilang immunity para maiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
