PSA: Inflation rate bumaba sa 6.8% ngayong Mayo

BUMABA sa 6.8 porsyento ang inflation rate ng bansa nitong Mayo 2026 mula sa 7.2 porsyento noong Abril ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, nakatulong sa pagbaba ng inflation ang mas mabagal na pagtaas ng pasahe, presyo ng pagkain, at mga gastusin sa pabahay.
Nakatulong din ang mga programa at hakbang ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapagaan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Sinabi ni PSA Undersecretary at National Statistician Claire Dennis S. Mapa na ang average inflation rate mula Enero hanggang Mayo 2026 ay nasa 4.5 porsyento.
Batay sa datos ng PSA, bumaba ang inflation sa sektor ng transportasyon sa 16.2 porsyento noong Mayo.
Malaki ang naging epekto nito sa kabuuang pagbaba ng inflation dahil mas mabagal ang pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina.
Nakatulong din ang sektor ng pagkain at mga non-alcoholic drinks, na nagtala ng 5.7 porsyentong inflation rate.
Sinabi ni Mapa na mas mabagal ang pagtaas ng presyo ng mga gulay, root crops, saging, sibuyas, isda at iba pang pagkaing-dagat.
Patuloy ding bumababa ang presyo ng karne ng baboy.
Samantala, nagtala ng 7.8 porsyentong inflation rate ang sektor ng pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang panggatong o fuel.
Nakatulong dito ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng LPG, upa sa bahay at kerosene.
Ang pagbaba ng presyo ng pagkain pa rin ang nangungunang factor ng pagbaba ng inflation, kabilang na ang bigas at iba pang produktong cereal.
Una nang ipinatupad ng administrasyon ni Pangulong Marcos ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) upang mabawasan ang epekto ng inflation sa mga mamamayan.
Nagbibigay ang UPLIFT ng tulong sa mga sektor na apektado ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at tumutulong sa pagpapatatag ng suplay at presyo ng mga pangunahing produkto.
Inilunsad ang UPLIFT sa pamamagitan ng Executive Order No. 110 na nilagdaan noong Marso 24, 2026 bilang tugon ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at iba pang hamon sa ekonomiya.
Related Articles

QC Cocktail Jamboree to bring Jakarta’s Bar scene to Tomas Morato this October
QUEZON City is set to host an international cocktail exchange as bars from Jakarta, Indonesia, team up with local establishments for the inaugural QC Cocktail Jamboree: Jakarta Edition from October 2…

Mooncake Festival 2026, ipinagdiriwang sa Quezon City
PORMAL nang binuksan ang Quezon City Mooncake Festival 2026 sa Banawe Chinatown nitong Sabado, sa pangunguna ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, tampok ang mga lokal na pagkain, cultural activities at …

Pinakamataas sa kasaysayan Piso sadsad sa P62.56 vs. dolyar
BUMAGSAK ang halaga ng piso sa panibagong record low na P62.565 laban sa US dollar nitong Miyerkules, Setyembre 2. Pero bago ito, unang sumadsad pa ang piso sa all-time low na P62.69 kada dolyar sa i…
