District Collector Lagmay umaasa sa mabilis na pagresolba ng imbestigasyon sa smuggling issue sa Port of Subic

UMAASA ang Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic na magiging maayos at mabilis ang pagresolba sa imbestigasyon patungkol sa smuggling issue na kinasasangkutan ng ilan nilang tiwaling mga opisyal at tauhan.
Ayon kay Atty. Geniefelle P. Lagmay, District Collector ng Bureau of Customs (BOC) - Port of Subic, mas mainam na hintayin ang opisyal na resulta ng imbestigasyon bago gumawa ng anumang konklusyon.
Aniya, ang kanilang head office katuwang ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tumutukoy sa buong detalye ng insidenteng kinasasangkutan ng kanilang personnel partikular sa reselling ng smuggled crude oil at imported na mga manok.
Iginiit ng opisyal na mahigpit ang BOC sa pagpapatupad ng customs laws at regulations, ngunit aminado itong hindi kayang masuri ng ahensya ang bawat shipment na pumapasok sa bansa.
May tinatawag umanong human element sa proseso, kaya gumagamit ang BOC ng risk-based at automated system upang matukoy kung aling mga shipment ang nangangailangan ng masusing pagsusuri.
Bago pa man dumating ang mga kargamento, isinasagawa na ang accreditation ng mga importer at customs broker.
Sa pagdating ng shipment, sumasailalim ito sa selectivity process batay sa resulta ng risk assessment.
Ang mga shipment na itinuturing na high-risk ay maaaring sumailalim sa 100% physical examination, habang ang mga nasa yellow lane ay dumadaan sa document checking.
Kinumpirma rin ni Lagmay na may mga complaint nang inihain sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng insidente.
Samantala, sinabi ng opisyal na nananatiling positibo ang collection performance ng BOC.
Ayon kay Lagmay, na noong nakaraang buwan, nalampasan ng ahensya ang collection target nito ng halos P250 milyon.
Sa kasalukuyang buwan naman, wala na lamang umanong mas mababa sa P30 milyon ang kailangang makolekta upang maabot ang itinakdang monthly target.
Taun-taon ay nagtatakda ng bagong collection target para sa BOC, na hinahati sa mga buwanang target.
Inaasahang malalaman ng ahensya ang bago nitong collection target para sa 2027 pagsapit ng Enero.
Kamakailan lamang ng inihayag ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang nais nitong pagsibak sa lahat ng personnel sa Port of Subic dahil sa mga kaliwat kanang isyu ng smuggling.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
