Bagong pasahe sa mga PUV 'in effect" na simula araw ng Lunes

NAGPATUPAD na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng bagong singil sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan (PUV) simula araw ng Lunes, Setyembre 28, kabilang ang traditional at modern jeepney, city at provincial bus, point-to-point (P2P) service, Transport Network Vehicle Service (TNVS), at airport taxi.
Inilabas ng LTFRB sa kanilang website ang updated fare matrix's para sa mga apektadong uri ng pampublikong transportasyon.
Para sa traditional jeepney, tumaas ng P1 ang minimum fare para sa unang apat na kilometro, mula P13 naging P14, habang P2 naman ang dagdag sa bawat susunod na kilometro.
Sa modern jeepney, tumaas ng P2 ang base fare mula P15 naging P17, habang P2.40 ang singil sa bawat susunod na kilometro.
Para naman sa city bus, ang ordinaryong bus ay may bagong pasahe na P15 para sa unang limang kilometro, mula sa dating P13.
Ang succeeding kilometers ay tumaas mula P2.25 naging P2.49.
Ang air-conditioned city bus naman ay tumaas mula P15 naging P18 para sa unang limang kilometro, habang ang bawat susunod na kilometro ay mula P2.65 naging P2.98.
Tumaas din ang pasahe sa provincial buses. Ang ordinary provincial bus ay mula P11 naging P12 para sa unang limang kilometro, habang ang succeeding kilometers ay mula p1.90 naging P2.20.
Para sa iba pang provincial buses, ang succeeding kilometer rate ng air-conditioned bus ay tumaas mula P2.10 naging P2.45; deluxe, mula P2.25 naging P2.60; super deluxe, mula P2.35 naging P2.70; at luxury, mula P2.90 naging P3.35.
Samantala, pinagkalooban ng 15% fare increase ang mga point-to-point (P2P) bus services batay sa kanilang kasalukuyang pasahe.
Pinakamalaki naman ang itinaas sa base fare ng airport taxis, kung saan ang flag-down rate para sa unang 500 metro ay mula P75 naging P115.
Hindi nagbago ang singil sa bawat 300 metro at bawat dalawang minuto.
Tumaas din ang pasahe sa TNVS. Ang sedan booking ay mula P45 naging p65; AUV/SUV mula P55 naging P75; hatchback mula P35 naging P55; at premium mula ₱145 naging P165.
Itinakda naman sa P15 kada kilometro ang pick-up fare.
Samantala, nakabinbin pa sa LTFRB ang mga petisyon para sa fare adjustment ng regular, premium silver, at premium gold taxi services.
Batay sa inilabas na provisional rates, ang regular taxi ay may flag-down rate na P65, mula P50; premium silver na P80, mula P50; at premium gold na P95, mula P60.
May provisional fare increase na rin para sa UV Express, na itinakda sa P2.60 kada kilometro para sa traditional units at P3.00 kada kilometro para sa modern units.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
