5-anyos na babae patay, 2 sugatan sa salpukan ng kotse at tanker sa Negros Oriental

Patay ang isang 75-anyos na babae habang dalawa ang malubhang nasugatan matapos magsalpukan ang isang kotse at tanker truck sa National Highway sa Barangay Looc, Sibulan, Negros Oriental nitong Sabado ng gabi, Setyembre 12, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, biglang lumiko patungo sa kabilang linya ang puting kotse habang binabagtas ang National highway dahilan upang salpukin ito ng kasalubong na tanker truck.
Sa lakas ng pagkakabangga, matinding napinsala ang kotse at naipit ito sa tanker.
Isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang 75-anyos na babae.
Nasa kritikal namang kondisyon ang 40-anyos na driver, habang ginagamot din ang 45-anyos na lalaki na sakay sa kotse.
Sumuko sa mga rumespondeng pulis ang driver ng tanker truck na kinilala lamang sa alyas "Edong" at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung nakainom ang driver ng kotse o nakatulog ito habang nagmamaneho bago nangyari ang insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang eksaktong sanhi ng aksidente at kung may pananagutan ang truck driver.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
