Senior Citizen na kukubra sana ng payout pinaslang

HINDI na nagawang kubrahin ng isang senior citizen na babae ang kanyang cash payout makaraan siyang patayin habang naglalakad sa kalsada sa Barangay Pawican, San Jose, Occidental Mindoro umaga ng Linggo, Setyembre 13.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, walang nakasaksi sa krimen kung saan natagpuan na lamang ang biktima na wala nang buhay sa gilid ng kalsada at duguan.
Ayon kay Barangay Pawican Chairman Ed Hermoso, galing ng kanilang bahay ang biktima at umalis lamang para pumila sana sa senior citizen payout sa Barangay Natandol.
Nabatid na mag isa lamang na umalis ang biktima. Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sino ang may kagagawan ng karumal dumal na krimen.
Umaasa ang pamilya at mga kaanak ng biktima na agad na mabibigyang-katarungan ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
