Back to HomeNation

Remulla hiniling sa SC na aksyunan ang reklamo laban sa 7 CA justices

NI JG TumbadoSeptember 6, 20262 min read0 views
 Remulla hiniling sa SC na aksyunan ang reklamo laban sa 7 CA justices
Share:

MATAPOS manawagan ng pagsasampa ng kaso laban sa mga miyembro ng hudikatura na mapapatunayang lumabag sa batas, hinimok ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang Korte Suprema na aksyunan ang nakabinbing administrative complaint laban sa pitong mahistrado ng Court of Appeals (CA).

Ayon kay Remulla, ang reklamo ay inihain ng kanyang predecessor na si dating Ombudsman Samuel Martires noong Marso 2025 laban sa pitong CA justices dahil sa umano’y gross ignorance of the law o matinding kawalan ng kaalaman sa batas, gayundin sa umano’y asal na nakapipinsala sa interes ng serbisyo.

Umiikot ang reklamo sa desisyon ng CA na baligtarin ang preventive suspension orders na inilabas ng Office of the Ombudsman laban sa ilang opisyal ng Antique, kabilang si Tobias Fornier Mayor Ernesto Tanjanlangit III.

Kabilang sa mga CA associate justices na inireklamo ay sina Louis Acosta, Rex Bernando Pascual, Mary Charlene Hernandez-Azura, Roberto Quiroz, Ferdinand Baylon, Marlene Gonzales-Sison at Rafael Santos. Sina Sison at Santos ay nagretiro na.

Sa kanyang radio program na “Executive Session,” sinabi ni Remulla na wala pa siyang nakikitang pampublikong rekord na nagpapakitang kumilos o naglabas ng resolusyon ang Judicial Integrity Office o ang Korte Suprema hinggil sa reklamo.

Ginawa ni Remulla ang pahayag bilang tugon sa sinabi noong nakaraang linggo ni SC spokesperson Camille Ting na dapat magsampa ng kaso ang Ombudsman laban sa mga miyembro ng hudikatura kung mayroon siyang ebidensiya ng maling gawain, dahil hindi maaaring aksyunan ng Korte Suprema ang mga malalawak o pangkalahatang akusasyon.

Ipinaliwanag ni Remulla na ang reklamong nakabinbin sa Judicial Integrity Office—ang investigative body ng Korte Suprema para sa mga disciplinary case laban sa mga miyembro ng hudikatura—ay nag-ugat sa pagbasura ng CA sa preventive suspension order ng Ombudsman laban kay Tanjanlangit noong 2024.

Sinuspinde noon si Tanjanlangit kaugnay ng alitan nito sa noo’y Vice Mayor Jose Maria Fornier tungkol sa pamamahagi ng mga food pack.

Ayon kay Remulla, ilan lamang ito sa mga kasong aniya’y nababaligtad ng CA, kaya panahon na upang masusing suriin ang sistema ng hustisya.

“Hindi natin maaaring gawing sacred cows ang Supreme Court, mga mababang hukuman, mga hukom at mga mahistrado ng appellate court. Wala nang dapat maging sacred cows,” pahayag ni Remulla. (

Related Articles